Music Hero – Klwkn Lyrics

O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa
Tanaw pa rin kita, sinta
Kay layo ma’y nagniningning, mistula kang tala
Sa tuwing nakakasama ka
Lumiliwanag ang daan sa kislap ng `yong mga mata
Pag ikaw ang kasabay, puso’y napapalagay
Gabi’y tumatamis tuwing hawak ko ang `yong kamay
O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa
Simoy ng hangin na kay lamig sa katawan
Daig pa rin ng liyab na `king nararamdaman
Sa tuwing tayo’y magkabilang mundo
Isang tingin ko lang sa buwan napalapit na rin sa iyo
Langit ay nakangiti, nag-aabang sa sandali
Buong paligid ay nasasabik sa ating halik
O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa
O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa
Halika na sa ilalim ng kalawakan
Samahan mo akong tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa